Inaasahang igigiit ngayong araw ng Lunes ng mga barangay officials sa buong bansa ang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabayaan (SK) elections na nakatakdang idaos sa Oktubre 25, 2010 alinsunod sa itinatakda ng batas.
Ito ang inaasahan sa muling pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reforms sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa hiling ng may 42,000 barangay officials at ng iba pang kongresista na gawin na lamang ang barangay at SK elections sa taong 2012.
Nabatid na tulad ng nakalipas na Lunes ay dadagsain ng mga local officials ang pagdinig upang ipanawagan sa administrasyong Aquino na pakinggan ang kanilang kahilingan na ipagpaliban ang naturang eleksyon.
Suportado ng Liga ng mga Barangay at League of Cities ang isinusulong din ng ilang mambabatas na pagpapaliban sa barangay at SK elections dahilan sa kawalan ng sapat na pondo umano para dito.
Sinabi ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatcha lian, ng League of Cities, na isinusulong ng mga alkalde sa buong bansa na gawin ang eleksyon sa susunod na taon o sa taong 2011.
Habang sa panig naman ni Ricojudge Janvier Echiverri, national president ng Liga ng Barangay, nais ng mga itong sa taong 2012 ang barangay at SK elections upang maipagpatuloy umano ng mga ito ang kanilang serbisyo sa kanilang nasasakupan.
The Long View: Redemption
1 day ago
No comments:
Post a Comment