Powered By Blogger

Observing,commenting, writing things as seen by the naked eye.

My photo
Noel Mabuting was born on December 09. 1971 in Barangay Ipilan Tayabas, Quezon. He served as a barangay kagawad . He was once a managing editor of a college/ community newspaper. As a writer, his passion is about environment and natural resources, music and literature, politics and the use of alternative/ natural method of healing.
Showing posts with label politics. Show all posts
Showing posts with label politics. Show all posts

Thursday, October 1, 2009

Twitter Tweets

Congress will once again throw money into a problem the clear preventive solutions to which neither the executive nor the legislature can’t seem to plan well ahead, let alone implement effectively.

From the much-abused road users’ tax, they are going to pull out ten billion pesos as an Ondoy rehabilitation fund. The senators try to look better. They are pledging one million from their 200 million pesos annual pork barrel, to share with the flood victims. That’s 22 million pesos, because there are twenty-three who avail of their allocation (assuming DBM releases to them) and one who eschews the availment.

From a reader comes this appreciative note: “Thank you….thank you…. Congress………..for donating our money, to us.”

* * *

Ah! The wonders of technology. Imagine how it would have been if we did not have cell phones? With landlines rendered useless by the floods, cellphones were the only link to media offices that immediately mobilized aid and served as message centers to whoever in government was not too stunned to effectively discharge their duties.

And the photos those cellphones took of the fast unfolding tragedy were awesome. Once uploaded into the internet, they gave us dramatic photos of the scary events brought by Ondoy and climate change.

As did using their Twitter to express thoughts as the tragedy struck. Several political personalities and controversial celebrities are parodied in these posted tweets (fictional, of course) so we would have momentary emotional relief from the anguish of last weekend and the slow move-on this week:

GMA: “Sabi n’yo knee-deep lang ang baha? It was chest-deep! Lumusong pa naman ako. Punyeta!”

Sen. Mar Roxas: “Ramdam ko kayo. Promise. Totoo na ‘yan”.

Sen. Manny Villar: “I am worried about C-5 Road”.

Sen. Noynoy Aquino: “Will have to meet with the Pink Sisters before deciding on which evacuation center to visit first”.

And Cebu congressman Tony Cuenco follows with his own tweet: “Half of the members of the lower House will join Noynoy’s planned relief drive”.

To which Gibo Teodoro says: “Hoy, pinsan, wala namang agawan ng trabaho!”

Meanwhile, Sen. Ping Lacson tweets: “God save the Philippines from Typhoon Ondoy, este, Pepeng na pala”.

But Sen. Jinggoy Estrada is unimpressed: “Baka akalo mo porke’t bumagyo, nakalimot na ako. Hindi pa tayo tyapos, Mr. Panfilo Morena Lacson. Galit pa rin si Daddy sa ‘yo”.

Bro. Mike Velarde enthuses: “Baligtarin ninyo ang inyong mga payong! Tikatik…ayyy… umaapaw na…ang baha!”


Pampanga Rep. Mike Arroyo: “My advice sa mga nawalan ng bahay at gamit is this: Pakasal kayo ulit, para may mag-regalo sa inyo. Tingnan n’yo ako, sa California pa nakabili ng bahay.”

Successor of Ka Roger Rosal: “Basang-basa dahil sa ulan at nanginginig sa sobrang lamig. Ka Joma, kung nababasa mo ito, magli-leave muna ako for two weeks”.

Vicki Belo: “Just got home after driving around the metro with Adel. Ang daming nagkalat na…plastic”.

And followed Kris Aquino: “Gosh, did you see Marikina and Cainta? I swear…kailangan niila ng make-over!”

Boy Abunda: “By Calayan…please.”

Anabelle Rama: “Haaay naku, Dong. May naga-text kanako…Kasabwat daw ni Ondoy si Wilma Galvante!”

And Senadora Loren Legarda: “What have I been saying all along? Climate change ‘yan. You’re not listening kasi, eh”.

To which Sen. Chiz Escudero suggests: “Timing kayo, ma’am. Takbo na, ma’am. Gusto mo ikaw ang presidente?”

But for broadcast celebrity Ms. Korina Sanchez: “Rain or shine…tuloy ang kasal!”

Joke, joke, joke…

Wednesday, September 30, 2009

Villar Vs. Noynoy

Limang araw makaraan ang pananalasa ni Ondoy, marami pa rin lugar ang lubog sa tubig-baha at hindi nabibigyan-pansin ng gobyerno, katulad ng isang kaso sa Biñan Laguna -- sa Tulay Bato, San Antonio, aba’y lampas-tao ang tubig sa loob ng mga kabahayan, puro putik at sira ang lahat ng kagamitan ng mga residente.

Ang pinakamasakit, walang tulong na natatanggap mula sa local government official, maging sa national level. Nasaan ang kanilang alkalde, gobernador, sampu ng mga konsehal at bokal ngayong kalamidad gayong sa panahon ng kampanya, ito’y kayang pasukin ang makipot at kaloob-looban ng mga barangay para makipagkamay?

Hindi natin babanggitin kung sinong mga Pontio Pilato at Herodes ang nagkalat sa Biñan Laguna subalit nakakalungkot isiping, walang inatupag ang mga local officials kundi banta yan ang relief goods na nagmumula sa national government.

Ang nakakahiya sa lahat, aba’y nakikipag-agawan at walang ginawa ang mga kumag kundi bantayan ang release ng calamity fund -- ito’y text messages mula sa isang residente ng Biñan, Laguna. Kalokohan kung gagawa lamang ng kuwento ang texter lalo pa’t lubog ang kanilang bahay. Kaya’t pakatandaan ng mga taga-Biñan, huwag nang iboboto sa 2010 kung sinuman sa mga local officials ang nagpabaya!

***
Napag-usapan ang text ng isang taga-Biñan Laguna, aba’y rumaragasa rin ang bakbakan sa text brigade ng dalawang presidentiables, sa pagitan nina Manny Villar at Noynoy Aquino habang kainitan ang relief at rescue operation, simula Linggo hanggang kahapon.

Hindi lang malinaw kung pinag-away sina Manny at Noynoy subalit nagsasagutan sa text ang kampo ng dalawang nangangarap maging Pangulo. Ang nakakadismaya lang, kung ipinang-donate sa Ondoy victims ang ginastos sa text brigade at alokasyon sa dirty tricks department, ‘di sana natugunan ang pagkauhaw ng mga nasa evacuation center, isang halimbawa ang mensaheng “Libre ang donasyon sa mga biktima ni Ondoy, libre ang media co verage ng ABS CBN at Inquirer. Iyan si Noynoy at Kris a yaw bumunot ng pera pero makapal manghuthot. Kung buhay pa si Tita Cory, wala rin siyang magagawa sa spoiled brats niya. Buti pa si Villar, hindi makapal kasi humugot talaga sa sariling bulsa” -- ito’y mula 09052197023.

Makalipas ang ilang oras, animo’y sumagot ang kampo ni Noynoy, ganito ang mensahe “Tumulong nga si Villar sa mga binaha pero bakit kailangan pa niya ilagay ang pangalan niya sa kapirasong styrofoam na pinaglagyan ng pansit. ‘Di na tulong iyan kundi pangangampanya. Akala niya magogoyo pa niya ang mga tao! Kay Noynoy tayo” -- ito’y mula sa 09052197022.

Ang ipinagtataka lamang ng Spy, halos isang numero ang pagitan o pagkakaiba sa dalawang mensaheng kumalat kaya’t malaking katanungan kung kaninong kampo ang nagpapakawala ng demolition job.

At noong nakaraang Martes, meron panibagong text brigade laban kay Noynoy, maging sa email, halos dalawang araw binabakbakan ang utol ni Kris Aquino, pinakahuling alegasyong ‘Big Fat lie’, gamit ang pangalang Juan Tamad at konsensiyangba yan@yahoo.com bilang email address -- ito’y patungkol sa pagkansela ng Mindanao trip ni Noynoy para damayan ang Ondoy victims subalit pakikipag-meeting kay Erapsky ang pinuntahan pagbalik ng Maynila at mismong si Noynoy ang ‘nag-confirm’ sa meeting.

Halos iisa ang laman ng email, gamit ang ilang news item at nakapalaman ang mensaheng “Sabi ni Noynoy babalik daw siya ng Maynila para tumulong sa relief operation, iyun pala secret meeting kay Erap. Si Kris humihingi ng konting sakripisyo sa bayan pero suot matching Channel earrings and pearl necklace and diamond studded Philip stein watch sa TV. Ganyan ba ang mga Aquino makapal?” mula sa 09052197023. Take note: Walong buwan pa bago ang May 10, 2010 kaya’t mahaba-haba pang bateryahan sa text iyan! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, April 13, 2009

Buhay ng Kambaser

1988 noon nang una akong matutong maglako ng sarisaring mga paninda mula sa Binondo at Divisoria. Kasamasama ako noon ni Mamo sa kung saan saang lugar sa kalakhang Maynila upang ibenta ang mga abubot na binili ko sa Divisoria.
Noon ko rin nalaman na marami na palang maglalakong Tayabasin sa iba't- ibang sulok ng Pilipinas,
mayroon sa Isabela, sa Baguio, sa Ilocos, sa Cebu at maging sa Iloilo. Ngunit ang konsentrasyon ng maraming kambaser ay sa Maynila partikular sa Banaue sa may Quezon City. Doon naglulungga ang karamihan sa mga kambaser na nagbuhat sa munting bayan sa Tayabas partikular sa Ipilan at San Isidro ZoneII.
Sa Banaue ko nalaman ang pasikot sikot ng pagtitinda, nagsimula akong magtinda ng mga gamit sa sasakyan mula sa pranela hanggang sa mga tools at ng lumaon ay car cover and accessories. Doon ko nakasalamuha ang mga beteranong kambaser na matagal ng nasa Maynila. ang iba ay yumaman na sa ganoong negosyo at ang iba naman ay nanatili sa kanilang pamumuhay.
Sa Banaue ko nakasama si Arnel Queaño bagamat matagal ko na siyang kakilala sa Tayabas, isang masipag na binata na walang pinipiling lugar na pagtititindahan at walang pinipiling paninda. Doon ko nakilala ang iba't ibang uri ng tao, may matino, may tarantado, may matapat mayroong tuso. Subalit sa pagdating ng hapon ay masaya kaming umuuwi sa aming tinutuluyan (sapagkat ng panahong iyon dekada nobenta ay wala pang malalaking mall at supermarket kaya maayos aming kitaaan).Magkakaiba ang aming tinutuluyan mayroon sa Balic- Balic at sa Lerma sa Sampalok subalit ako kasama ni Mamo ay sa Krus na Ligas naninirahan.
Sarisaring area(tawag sa lugar na pinagtitindahan) ang mga kambaser, ang mga taga sona dos ay sa sabungan ang mga taga Ipilan ay sa Banaue at ang mga taga Baguio ay sa kahabaan ng EDSA at Katipunan.
Sa ngayon, lumobo na ang populasyon ng mga kambaser na Tayabasin. Halos lahat ng bagong graduate ng high school ay sumabak na rin sa pagtitinda o pagkakambas. At dumami na rin ang mga pamilihan ng mga paninda. Andyan ng magsulputan ang mga Taiwanese sa ibat ibang lugar kung saaan bumibili ang mga kambaser ng kanilang mga paninda.
Waring ang negosyo ng kambas ay mistulang naging industriya na ng mga Tayabasin.
Subalit ang pagdami ng mga manininda at mga pamilihan ay may epekto na rin sa mga mamimili at sa mga kambaser, nandyan na ang pagbaba ng kalidad ng paninda sapagkat ang kalilimitang lumalabas na produkto ay mula sa China(mura pero mahuna) at kung magkaganoon ay ang pagkonti ng mamimili na nagiging dahilan sa pagbaba ng kita ng mga kambaser.
Padami ng padami ang mga kambaser subalit ang lugar na pagtititindahan ay pakonti ng pakonti sinabayan pa ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at ng langis na direktang nakakaapekto sa bulsa ng mga kambaser.
Nag-organisa na ng ilang samahan upang matugunan ang mga hinaing ng mga kambaser subalit magpasahanggang ngayon ay wala pang kongkretong plano at hakbanging direktang magpapaangat ng kalidad ng pamumuhay ng mga kambaser.
Kailangan ng mga kambaser ang tulong ng mga namumuno sa ating lungsod upang mapagaan ang mga pasanin ng nasabing mga tao. Mahigit 30 porsyento ng mga Tayabasin ay mga kambaser kung kayat ang tuluyang pagbalewala sa hinaing ng mga ito ay magdudulot ng pagkalito at kawalang kumpiyansa sa mga namumuno sa ating bayan.
Sa aking mga kasamahang kambaser.....
Patuloy po tayong umasa na may maayos na bukas pang naghihintay sa atin.
Samahan po ninyo akong maipaabot sa mga kinauukulan ang ating hinaing.
Hanggang dito na po lamang at naway kasihan tayo ng maykapal.