Observing,commenting, writing things as seen by the naked eye.

My photo
Noel Mabuting was born on December 09. 1971 in Barangay Ipilan Tayabas, Quezon. He served as a barangay kagawad . He was once a managing editor of a college/ community newspaper. As a writer, his passion is about environment and natural resources, music and literature, politics and the use of alternative/ natural method of healing.

Thursday, September 2, 2010

Barangay at SK balik sa manu- manong bilangan

Balik sa manu-mano ang halalan sa Oktubre 25 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections matapos aprubahan ng poll en banc ang paggamit ng ‘manual ballot’ sa halip na pre-printed ballots na ginamit noong May 10 elections.


Naniniwala si Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na mas paborable sa mga botante ang paggamit ng tradisyunal na ballot-type dahil ito na ang nakagawian.


Sa pagkakataong ito, hindi na magbibilog sa “bilog na hugis itlog” ang mga botante, sa halip manu-manong isusulat sa balota ang pangalan ng kanilang napupusuang kandidato.


“It’s lime the old times. In fact mas kapado ito ng mga botante since once pa lang naman tayo gumamit ng pre-printed ballots dahil sa automation. Now balik tayo sa dati,” ani Larrazabal.


Aminado ang Comelec na kinapos na sila ng panahon para itulak ang paggamit ng pre-shaded ballots dahil kailangan pang i-verify ang pangalan ng mga kandidato bago iimprenta ang mga balota.


“Mas madali na ito. Ang iimprenta na lang sa balota ay ‘yung positions at kung ilan ang elective positions. Kasi kapag pre-printed ballot ang gagamitin natin, of course kailangan maaga ‘yung filing ng certificate of candidacy (COC) para may idea tayo kung sino ang mga tatakbo. Kung ganito ang gagawin natin, kapos na kapos na tayo sa oras because next month na ‘yung election day,” giit ng opisyal.


Samantala, iginagayak na rin ng komisyon ang pagpapatawag ng bidding para sa supplies na gagamitin sa Oktubre 25.

No comments:

Post a Comment